This day.
This day is too boring for me. But I clean the house. It’s too tiring… -__-
In the afternoon, I just watched TV and just in my bed for 6 hours.
Then suddenly, naisip ko wala na pala akong ulam na babauin sa trabaho bukas. hays. ang bilis. kahit wala akong pera, bumili pa din ako. pinagkasya ko na lang. :|
Ayun, to cut the story short, after ko bumili sa puregold, may nakasakay akong bata. Bata. Mapayat. Walang tsinelas. Malamlam ang mga mata. Sandong sira ang suot. May dalang mga 5 piraso ng saging. Sinabay lang siya ng mamang nagsakay sakin kasi kanina pa ata siya nag aantay makasakay sa pilahan ng tricycle.
Tinanong pa nga niya ko, “San ka bababa ate?” Sabi ko, “Sa addas lang, ikaw?” Sabi niya, “Sa kwatro po, sa may pulang ilaw.” Di ko maisip san ung pulang ilaw dun sa barangay na yun. Kaya sabi ko na lang, “Ahh, ingat a.”
Nung malapit na ko bumaba, naisip ko tanungin san siya galing. Sumagot naman siya, “Dun po sa kanto, namalimos po”. Biglang kumirot ung puso ko. Palagi ganun pag nakakakita ako ng bata o nakakarinig ng ganung mga salita.
Bago ako bumaba, binigyan ko siya ng 2 piraso Fudgee Bar. Nagpasalamat naman siya. :) Wala na kasi akong pera na dala kasi sakto lang ang dala ko. Buti at namili ako ng mamon na un at naisip ko na un na lamang ang ibigay ko, alam ko kasi na di pa siya kumakain.
Ayun lang. Ang dami kong natutunan sa araw na to. kahit na maraming di magandang nangyari. Maswerte pa pala ko. Masaya ako at kahit papano natulungan ko siya.
Relationships are harder now,
Because conversations became texting, arguments became phone calls, feelings became subliminal messages online, sex became easy, the word “love” gets used out of context, insecurities have become your way of thinking, getting jealous became a habit, trust has been lost, cheating became an accident, leaving became the only option & being hurt became natural.
(Source: teddietedeezy, via porsheohporshe)